Nanawagan ang Chamber of Mines of the Philippines sa incoming Duterte Administration na ang itatalagang Kalihim sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ay may solidong kaalaman sa pamamahala ng kalikasan.
Ang pahayag ay ginawa ni Comp Executive Director Nelia Halcon kasunod ng ulat na inalok ni President-elect Rodrigo Duterte si ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Gina Lopez na kilalang tumututol sa operasyon ng minahan sa bansa.
Nanindigan si Halcon na nakikiisa sila sa posisyon ni Duterte na mapairal sa bansa ang responsableng pagmimina at masugpo ang illegal mining operation.
Makatutulong aniya ang industriya ng pagmimina na makapagpasok ng puhunan sa mga kanayunan at makatulong na mapaunlad at maramdaman ng mamamayan.
Idinagdag pa ni Halcon na ang pagkakaroon ng minahan sa lokal na komunidad ay nagreresulta ng progreso ng ekonomiya kung saan pumapasok ang maraming produkto at serbisyon na mula sa minahan, bukod pa sa buwis na nakukuha ng pamahalaan.
By: Meann Tanbio