Ikinalungkot at ikinagulat ng marami ang hiwalayan ng mag-asawang Hollywood stars na sina Channing Tatum at Jenna Dewan.
Inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa social media matapos ang siyam na taong kasal.
Sinabi ng dalawa na walang magbabago sa kanilang pinagsamahan kasabay ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang relasyon.
Matatandaang 2009 nang nagsama sa pelikulang Step Up ang noo’y mga single pa na sina Channing at Jenna kung saan sila nagtambal.
—-