Nabasag na ng Eat Bulaga kalyeserye na “AlDub Phenomenon” ang twitter record ng 2014 FIFA World Cup Semi-final match ng Germany at Brazil.
Pumalo sa 39.5 million ang tweets ng #AlDubEBTamangPanahon simula kahapon kasabay ng charity event na idinaos sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.
Kumpara ito sa 35.6 million tweets sa laban ng Brazil at German sa semi-finals ng 2014 World Cup.
Bukod dito, pinuno rin ng fans ng loveteam ni Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza 55,000-seater Philippine Arena.
Ito na ang pinaka-malaking charity concert sa kasaysayan ng Philippine television.
By: Drew Nacino