Nagsampa ng patong-patong kaso ang dating kasintahan ng Hollywood actor na si Charlie Sheen kasunod ito ng pag-amin ng aktor na siya ay HIV positive.
Ayon sa dating porn star na si Scottie Ross, hindi niya alam na may sakit ang aktor sa loob ng kanilang isang taong relasyon.
Aniya, ilang beses silang nagtalik ni Sheen kung saan siya ay naabuso at nakaranas ng pisikal na pananakit.
Pinilit pa umano siya ng aktor magpalaglag nang mabuntis sya noong 2014.
Nahaharap si Sheen sa kasong assault, negligence at emotional distress.
By Rianne Briones