Parehong nagwagi sa NBA ang Charlotte Hornets at Golden State Warriors matapos padapain ang kanilang kalaban.
Unang nanalo ang Charlotte Hornets kontra Oklahoma City Thunder sa iskor na 134-116.
Natambakan sa 1st quarter ang Hornets pero nagawa nilang makabawi sa 2nd, 3rd at 4th quarter kung saan, nakapagtala ng 30 points, 6 rebounds at 6 assists si Terry Rozier.
Nakaambag din sa koponan sina Miles Bridges na may 27 points at Lamelo Ball na may 21 points.
Samantala, bumida din ang Golden State Warriors matapos talunin ang Washington Wizards.
Pinataob ng Warriors ang Wizards sa una hanggang 3rd quarter kung saan, nanguna sa koponan si Basketball superstar Stephen Curry na nagpakawala ng 47 points, 6 rebounds at 6 assists. —sa panulat ni Angelica Doctolero