Muling ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-amyenda o pagbuwag sa probisyon hinggil sa party-list system sa 1987 Constitution.
Sa kanyang talumpati matapos mag-inspeksyon sa isang evacuation center sa Batangas, iginiit ng pangulo na ginagamit lamang ng mga mayaman at makapangyarihan ang partylist para sa kanilang interes.
Bagaman maganda naman ang pagkakagawa sa saligang batas ng Pilipinas, halos lahat naman anya ng nilalaman nito ay hinango sa American Constitution at idinagdag ang party-list system.
Upang maiwasan ang korapsyon sa gobyerno at pagkabusog ng bulsa ng mga tiwaling opisyal, dapat na anyang baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Constitutional Convention.