Iminungkahi ni Senador Juan Miguel Zubiri na magdaos ng Charter Change o Cha-Cha Summit.
Ito ay sa harap nang magkasalungat na posisyon at umiinit na bangayan sa pagitan ng mga Senador at Kongresista sa usapin ng pag – amyenda sa saligang batas.
Ayon kay Zubiri , sa pamamagitan ng summit ay maaaring makapag – usap ang mga miyembro ng Senado at Kamara kung paano maisusulong ang pag – amyenda sa konstitusyon patungo sa isinusulong na Federalismo.
Dagdag pa ni Zubiri , posible itong maging paraan para matigil na ang ang iringan ng mababa at mataas na kalulungan ng Kongreso tulad ng magkaibang paninindigan nito sa usapin ng ‘voting jointly’ o ‘voting separately sakaling Con- Ass o Constituent Assembly ang gamiting pag – amyenda sa saligang batas.