Pinaigting pa ang checkpoint sa mga lalawigan ng Cotabato at Maguindanao partikular sa mga lungsod ng Cotabato at Kidapawan
Kasunod na rin ito nang pagkakarekober sa tatlong malalakas na uri ng improvised explosive device sa Maguindanao-Cotabato highway kagabi
Isinara ang naturang highway kasabay nang agarang pag responde ng mga otoridad
Ang IED ay gawa sa tatlong bala ng 60mm mortar, nine volts battery, wirings at cellphone bilang triggering mechanism na inilagay sa gilid ng kalsada ng Brgy Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao
Ayon kay 603rd Brigade Commander Colonel Earl Baliao ,kusang pinasabog ng EOD team ang bomba pasado alas otso kagabi dahil sa pangambang nasa paligid lamang ang naglagay nito
By: Judith Larino