Itinaas ng Philippine National Police ang alerto sa Metro Manila dahil sa panahon ng Christmas season at sa naganap na pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi City.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, pinalakas pa ang mga checkpoint tulad ng border sa Metro Manila at Bulacan.
Anya, gumagamit din ng K9 teams sa mga bus terminals, malls, at iba pang matataong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Hinigpitan din ang pagbabantay sa mga simbahan o sambahan dahil magsisimula na rin ang simbang-gabi sa Disyembre 16.
Paglilinaw naman ni Colonel Fajardo na wala namang namomonitor na banta ng pag-atake ng terorismo sa Metro Manila ngunit kailangan pa ring dagdagan ang seguridad dahil sa Christmas season.