Palalakasin ng gobyerno ang checkpoints nito para harangan ang pagkalat ng marijuana sa buong bansa.
Binigyang diin ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil kailangang tapatan ang strategy ng mga grupong sangkot sa operasyon ng illegal drugs na nagagawang ihalo ang kanilang finished products o itinatago ang mga ito sa secret compartment ng sasakyan.
Sinabi ni Año na dapat paigtingin pa ang pagsasanib puwersa ng Philippine National Police (PN) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para matigil na ang pagkalat ng marijuana na naging alternatibo na para sa mga drug users na hindi na makabili ng shabu.
Susuyurin aniya nila ang mga kabundukan hindi lamang ang Metro Manila para masira ang mga plantasyon ng marijuana.
Una rito, mahigit P26-milyon na halaga ng marijuana ang nasabat sa Quezon City nitong weekend.