Inilalatag na ang mga Commission on Elections (COMELEC) checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa para sa pagsisimula ng election gun ban.
Mula Enero 10 hanggang sa June 8 ay suspendido ang lahat ng permit sa pagdadala ng baril maliban sa mga makakakuha ng exemption sa COMELEC.
Tiniyak ni Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng Philippine National Police (PNP) na mas hihigpitan nila ang pagpapatupad ng gun ban para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa eleksyon.
Sinabi ni Mayor na ang gun ban ay sasabayan nila ng pinaigting na kampanya laban sa mga loose firearms at private armed groups.
By Len Aguirre