Nais ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño na palagyan ng mga security checkpoint ang bawat barangay sa bansa.
Ayon kay Diño, layunin nito ang mapigilan ang mga kriminal partikular ang mga motorcycle riding in tandem sa kanilang mga iligal na gawain tulad ng mga pagpatay.
Binigyang diin ni Diño, magiging limitado na lamang ang paggalaw ng mga kriminal dahil wala na silang ibang mapupuntahan kung maglalagay ng mga barangay checkpoints.
Samantala, bukas naman si Philipine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa sa panukala ni Diño sa kondisyong isasailalim sa supervision ng mga pulis ang mga ilalagay na barangay checkpoints.
—-