Tututukan ng mga sundalo ang mga Commission on Elections (COMELEC) checkpoints na nasa mga lugar kung saan konti lamang ang mga pulis.
Tinukoy ni Col. Restituto Padilla, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lugar kung saan maraming rebelde tulad ng Mindanao.
Ayon kay Padilla, mahalaga ang checkpoints kapag panahon ng halalan para makontrol ang pagkilos ng private armed groups na may dalang loose firearms.
Una rito, kasabay ng pagsisimula ng election period ay ang pagpapatupad ng gun ban at paglalatag ng mga COMELEC checkpoints.
By Len Aguirre