Pumirma ng deal ang Commission on Higher Education (CHED) at ilang unibersidad na agad matatanggap ang mga estudyanteng apektado ng pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL).
Ang mga paaralan namang tatanggap sa mga displaced students ay ang St. Joseph’s College ng Quezon City, Our Lady of Fatima University, College of St. Catherine Quezon City, NBS College, Villagers Montessori College, WCC-Aeronautical and Technological College North Manila, Siena College, Inc., Quezon City, AMA University at STI College Fairview.
Sinabi naman ni CHED Chairman Prospero de Vera na kailangan umanong pumirma ang mga partido ng memorandum dahil mayroong probisyon ng Manual of Regulations for Private Higher Education (MORPHE) ang na-waive sa pagtanggap ng nasa 700 displaced students.
Dagdag ni CHED Executive Director Cinderella Benitez-Jaro na ilang general provisions na posibleng ma-waive ng mga universities ay ang units na kailangang ma-credit para ang mga estudyanteng apektado ay makakapagtapos pa rin sa oras o hindi naman kaya ay makakatanggap.
Una nang sinabi ni CDSL Spokesperson Vix Dorado, na ang mga chekeng na-isyu na ay nasa 625 sa 652 college students.
Sa ngayon, ilang paaralan pa rin naman daw ang willing na kunin ang mga estudyanteng apektado sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo.