Inanunsyo ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera III na positibo rin siya sa COVID-19.
Ayon kay De Vera, tinamaan ng COVID-19 ang kanyang buong pamilya at isang linggo ng naka-quarantine sa bahay.
Sa kabila nito, pawang mild lamang ang kaniyang mga naging sintomas at umaayos na ang pakiramdam.
Magugunitang kinumpirma ni De Vera sa kanyang social media account na positibo siya sa COVID-19, tatlong araw matapos magpaturok ng booster habang inabisuhang magself-quarantine at magpa-test ang kanyang mga nakasalamuha.
Tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanyang tungkulin sa CHED kahit may sakit.