Inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera na siya nagpositibo sa COVID-19.
Sa facebook post ni De Vera, sinabi niya na nakakaranas siya ng mildsymptoms at kasalukuyang naka-quarantine.
Matatandaang, sinabi ni De Vera na ang pandemya at personal na karanasan sa impeksyon sa COVID-19 ang nagtulak sa kanyan upang umatras sa pagtakbo bilang senador.
Sinabi pa ni De Vera na mas mahalaga ang kalusugan ng kaniyang pamilya kaysa tumakbo sa 2022 National Election. —sa panulat ni Kim Gomez