Binigyang diin ni Commission on Higher Education Executive Dir. Julito Vitriolo, na nararapat lamang na ipagbawal na ang hazing at agarang amyendahan ang 1995 anti-hazing law sa bansa.
Ayon kay Vitriolo, buhay at kinabukasan ng mga estudyante ang nasisira dahil lamang sa di makatarungang pagsasagawa ng hazing ng isang fraternity group.
Sinabi pa ng CHED official, matagal na nilang iminumungkahi na rebisahin o ideklarang iligal ang batas kaugnay sa hazing at lahat ng uri ng initiation rites para sa seguridad ng mga mag-aaral.
Magugunitang nasawi si University of santo Tomas Law Student Horacio Tomas “Atio” Castillo III dahil sa matinding pinsala na tinamo ng kanyang katawan matapos sumailalim sa initiation rites ng aegis Juris Fraternity group noong Setyembre a-16.