Humingi ng paumanhin ang CHED o Commission on Higher Education sa naantalang paglalabas ng allowances para sa mga iskolar ng pamahalaan.
Paliwanag ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, nagka-problema ang kanilang internal system dahil sa masyadong mataas na bilang ng mga dokumentong isinusumite sa kanilang ahensya.
Maliban dito, nagkaroon din aniya ng mga discrepancies sa mga documentary requirements, at mayroon ding mga karagdagang hinihingi sa kanila ang Commission on Audit.
Tiniyak naman ng CHED na makakamit na ng mahigit dalawang libong scholars ang kanilang buong living allowances, bukas, December 29.
Kasabay nito, nangako ang CHED na pabibilisin nila ang pag-proseso sa mga dokumento sa pamamagitan ng pag-daragdag ng mga tauhan.