Higit P34-B at hindi P100-B ang kailangang pondo para sa implementasyon ng libreng matrikula sa mga SUC o State Universities and Colleges sa buong bansa.
Ito ang naging paglilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero De Vera sa kabila ng pangamba ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kakayanin ng gobyerno na pondohan ang P100-B pondo para sa nasabing batas.
Aniya, sa pagtala ng CHED nasa higit P16-B ang kailangan ng gobiyerno sa unang implementasyon ng naturang batas upang masiguro na libre ang matrikula at miscellaneous fee sa mga SUC.
Idinagdag pa ni De Vera na kailangan lamang magtulungan ng gobyerno at mga ahensya upang masiguro na maganda ang pagkakabalangkas ng implementing rules and regulations ng nilagdaang batas na free college tuition ni Pangulong Rodrigo Duterte.