Iminungkahi ng CHED o Commission on Higher Education na gawing mandatory ang ROTC o Reserve Officer’s Training Corps program sa lahat ng mga estudyante sa SUCs o State Universities at Colleges lamang.
Ito’y kaugnay sa isinusulong na Armed Forces of the Philippines Reservist Act na layong buhayin ang pagiging mandatory ng ROTC program sa mga mag-aaral na nasa grade 11 at 12.
Ayon kay Nena Asingjo, hepe ng Office of Student Development and Services ng CHED, kung magiging mandatory ang ROTC ay mas makabubuti ito sa mga SUCs at dapat na maging opsyon lamang ito sa mga mag-aaral sa mga pribadong institusyon.
Magugunitang taong 2012 nang naging opsyonal na lamang ang ROTC sa bisa ng Republic Act No. 9163 o National Service Training Program Act of 2001.