Isinusulong ng Commission on Higher Education (CHED) na maisama ang mga estudyante sa COVID-19 vaccination priority list ng gobyerno.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, ito ay upang mas marami pang mga unibersidad at programa ang payagang magsagawa ng limitadong face-to-face classes.
Ibinahagi ni De Vera na zero transmission ng COVID-19 pa rin sa UP college of medicine na nagsimula ng kanilang limitadong physical classes noong Disyembre at Our Lady of Fatima University na nagsimula rin ng face-to-face classes noong kalagitnaan ng Enero.
Plano rin ng CHED na mapalawig ang limitadong physical classes sa iba pang degree programs tulad ng engineering, information technology, maritime programs, veterinary medicine, and industrial technology.
Sa ngayon, nasa 93 higher educational institutions sa bansa ang pinahintulutang magsagawa ng limited face-to-face classes. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico