Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng unibersidad at kolehiyo na sumunod sa guidelines sa pagsususpinde ng klase.
Ito ang paglilinaw ng CHED kasunod na rin ng tila kalituhan sa DepEd Order 037 kaugnay sa suspensiyon ng klase.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, matagal nang sinusunod ng mga Higher Education Institutions (HEI) ang Executive Order no.66 at CHED Memorandum Order(CMO) no. 15.
Nakapaloob sa nabanggit na EO no.66 ang mga pamantayan sa pagsususpindi ng mga klase sa bagyo, pagbaha at iba pang sama ng panahon at kalamidad.
Sa ilalim ng memo 15 na otomatikong suspendido ang klase sa kolehiyo kasama na ang graduate school kapag itinaas sa signal no. 3 ng pag-asa ang babala ng bagyo.
Maaari ring kanselahin ang klase sa kolehiyo kasama ng graduate school batay na rin sa desisyon ng lokal na pamahalaan.
Samantala, hangga’t di aniya binabago o pinapawalang bisa ang EO 66 at memo 15 ay mananatili itong pamantayan ng lahat unibersidad at kolehiyo sa bansa.