Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na may iba pang scholarship na makukuha kasunod ng pagsuspinde ng merit scholarship nito para sa mga freshmen.
Ayon kay ched chairman Prospero De Vera III, wala pang budget sa ngayon ang merit scholarship para sa mga freshmen, ngunit ang tertiary education subsidy, tulong dunong at medical scholarships ay available.
Paliwanag pa niya na pataasan ng grades para sa priority programs dahil kulang ang pondong ibinibigay sa CHED kaya ang kaya lang nilang pondohan ay ang mga continuing scholars.
Samantala, may 31.68 bilion pesos ang inilaan sa CHED sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act, kung saan mas mababa ito sa mahigit 50 billion pesos na natanggap noong nakaraang taon at halos kalahati lang ng 62 billion pesos na una nitong hiniling sa kongreso.—sa panulat ni Airiam Sancho