Nilinaw ng CHED o Commission on Higher Education na hindi saklaw ng moratorium laban sa pagsasagawa ng field trip at iba pang out-of-school event, ang internship at iba pang kahalintulad na aktibidad.
Sa ipinalabas na memorandum ni CHED Chair Patricia Licuanan, binanggit na exempted dito ang mga internship o educational trip sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay Licuanan, kasama rito ang on-the-job training, practicum, field instruction, field study at ship board training.
Nanawagan din si Licuanan sa mga pamunuan ng mga unibersidad na humingi ng clarification mula sa mga CHED Regional Office kaugnay ng mga out-of-school activity na hindi nabanggit sa bagong memorandum.
By Jelbert Perdez