Naglatag ng long-term, medium-term at immediate actions ang Commission on Higher Education bilang tugon sa sinasabing nursing shortage sa bansa.
Sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera, na kabilang sa isinumite nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangmatagalang solusyon ay ang 10 taong moratorium sa paglikha ng bagong nursing programs.
Sakaling maaprubahan ang aplikasyon ng 54 universities, inaasahang makakapag-produce ito ng 252 students sa academic year 2027-2028.
Ang medium-term, ayon kay Chairperson De Vera, ay ang pakikipagtulungan nila sa technical education and skills and development authority upang makakalap ng maraming health care assistants at health care associates.
Maliban dito, makikipagtulungan din ang CHED sa Department of Health at sa mga pribadong ospital upang tulungang makapasa ang mga nursing graduates na dati nang bumagsak sa pagsusulit.
- ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)
- sa panunulat mula kay Jenn Patrolla