Nakikipagtulungan ang Commission on Higher Education (CHED) sa ilang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapalabas ng “enchanced version” ng National Service Training Program (NSTP).
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, nakikipagtulungan sila sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of National Defense (DND) para dito.
Aniya, ang mas magandang bersyon na kanilang ginagawa ay sisiguruhing magkakaroon ng civic consciousness at defense preparedness ang mga mag aaral na kukuha nito.
Samantala, nagkaroon na rin ang kasunduan ang tatlong ahensya para sa pagbuo ng technical working group para pag aralan ang kasalukuyang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng NSTP.