Sumailalim sa mandatory drug test ang matataas na opisyal ng Commission on Higher Education o CHED.
Kabilang sa mga isinailalim sa drug test si CHED-OIC Prospero de Vera III.
Sinabi ni De Vera na isasailalim pa sa confirmatory test ang sinumang opisyal at empleyado ng CHED na magpopositibo sa screening test.
At kapag nagpositibo pa muli sa confirmatory test, isasailalim ito sa drug dependency examination ng Department of Health o DOH.
—-