Pinag-aaralan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes sa iba pang mga kurso gaya ng engineering, information technology at maritime courses.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera iii, titingnan muna nila ang datos na makakapagsabing ligtas sa COVID-19 ang mga estudyanteng sumubok na sa limited face-to-face classes bago nila ito idulog kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, nasa 73 pamantasan ang pinayagan na magsagawa ng face-to-face classes para sa medical-related courses kung saan wala namang naitalang COVID-19 infection.
Ngunit may napaulat na kaso ng COVID-19 sa Region 8 o Eastern Visayas at inaalam pa ng CHED regional office kung ano ang dahilan nito. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico