Pinaplantsa na ng CHED o Commission on Higher Education ang IRR o Implementing Rules and Regulations ng ipatutupad na libreng matrikula sa State Universities at Colleges (SUC’s).
Ayon kay CHED Commissioner Popoy De Vera, hindi pa nila tiyak kung sasapat ang 8.3 bilyong pondo para sa lahat ng mga estudyante.
Sakaling kulangin ito ay bubuo sila ng sistema para unahin ang mga pinakamahihirap na estudyante.
Batay sa bilang ng CHED, nasa 1.8 milyong mga istudyante ang naka enroll sa higit 100 mga public universities at colleges sa buong bansa.
By Rianne Briones