Ibinabala ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibleng epekto sakaling alisin ang licensure examination sa ilang piling propesyon.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, isang mahalagang standard ang exam lalo’t may ilang nais magtrabaho sa ibayong dagat matapos ang kanilang pag-aaral.
Kailangan pa anya ng mas malalim na pag-aaral sa hirit ni Labor Secretary Bebot Bello partikular ang pagbuwag sa nursing licensure exam dahil buhay ang nakasalalay sa nasabing propesyon.
Ipinaliwanag ni De Vera na maaaring hindi kilalanin ng ilang bansa ang degree ng mga Filipino graduates dahil sa kakulangan ng requirement.
Idinagdag pa ng pinuno ng CHED na kailangan munang matukoy o mapatunayan kung may kakulangan ng mga nurse, engineer, guro o abogado sa bansa.
Samantala, ibinasura rin ng supreme court ang panawagang pagbasura sa bar exams. —sa panulat ni Drew Nacino