Pinahintulutan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa tertiary level sa National Capital Region at sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.
Ayon kay ched Chairman Popoy De Vera, papayagan nila ang limited face-to-face classes hanggang 50% sa lahat ng degree programs sa nasabing lugar.
Nilinaw naman niya na ang pagsasagawa ng naturang klase ay may ilang kondisyon tulad ng; ang mga studyante at empleyado ay bakunado at may mataas na vaccination rate, pumayag ang mga lokal na pamahalaan, at dapat din aniya na nainspeksyon na ng Department of Health (DOH) ang mga pasilidad.
Inaasahan naman ni De Vera na maisasakatuparan ito sa Enero o Pebrero sa susunod na taon. —sa panulat ni Airiam Sancho