Media, sinisi ng CHED hinggil sa nilikhang gusot sa pagitan ng security sector at academe.
Isinisisi sa media ng Commission on Higher on Education (CHED) ang hindi pagkakaunawaan ng security sector at ng academe hinggil sa usapin ng planong pagpasok ng PNP sa mga State Colleges and Universities (SUC).
Ayon kay CHED Chair Prospero De Vera, pinalaki lamang ng media ang isyu.
Sa pamamagitan ng paggamit ng terminong “militarisasyon” na siyang lumikha ng pangamba sa publiko.
Sa Metro Manila lamang aniya lumaki ang isyu ng militarisasyon kasabay ng nasabing plano dahil maganda naman ang relasyon ng mga paaralan sa pulis at military.
Katunayan aniya, may inilunsad na programa ang CHED noong isang taon hinggil sa paglulunsad ng Safe & Healthy Campus Initiative na ang layunin ay ilayo ang mga kabataan mula sa krimen, iligal na droga at violent extremism.
Samantala, inamin ni De Vera noong siya’y Vice President pa ng UP ay may mga ulat na ng pagkalat ng iligal na droga sa loob ng ilang Campus nito kaya’t hiniling nila noon sa PNP na magkasa ng review subalit hindi ito nangyari.