Target ng Commission on Higher Education (CHED) na ilipat sa Agosto ang pagbubukas ng klase sa lahat ng public universities at colleges simula sa school year 2020.
Ito, ayon kay CHED officer-in-charge Prospero De Vera, ay upang mapabilis ang implementasyon ng universal access to quality tertiary education act sa ilalim ng cash-based budgeting system.
Sa ngayon aniya ay hindi magkakapareho ang class opening ng mga pamantasan kung may mga nagsimula noong hunyo habang ang iba ay nito namang Agosto.
Ipinunto ni De Vera na matapos ang budget hearing nila sa kamaray ay ihayag ng mga mambabatas na maaaring mahirapan ang ched na lumipat sa cash-based budget system dahil hindi magkatugma ang fiscal year at academic year.
Sa ilalim ng cash-based budget system, mandato ng mga ahensya na gastusin ang kanilang pondo at magpatupad ng mga proyekto sa loob ng isang taon pero kung mabibigo ay aalisin ang pondo sa proposed budget.
—-