Palalakasin ng mga higher education institution sa bansa ang kanilang sports program.
Ayon kay Commission on Higher Education o c CHED Chairman Popoy De Vera, iyan ang isa sa mga nakamit ng unified tertiary sports program ng ahensya at ng Philippine Sports Commission na kanilang nilagdaan nitong Marso.
Paliwanag pa ni De Vera na maalab na nakikipatulungan ang bawat sangkot na asosasyon at paaralan sa nasabing programa.
Ipinunto rin ni De Vera ang pagbubukas ng national sports academy na siyang kauna-unahang paaralan sa bansa para sa mga mag-aaral na atelta mula junior at senior high school students at gumagawa sila ng paraan para mahasa ang mga kabataang Pinoy na nahihilig sa pampalakasan.
Target din ng CHED na madala sa mga higher education institution ang Unified Tertiary School Sports Development framework para kanilang makatuwang ang ito sa paghubog ng mga atletang Pinoy.—sa panulat ni Rex Espiritu