Tinawag na “old story” o lumang balita na ang pag-rerecruit ng maka kaliwang grupo ng mga estudyante.
Ayon ito kay CHED Officer-in-Charge Prospero De Vera III kaya’t hindi na sila nagulat sa report ng afp na ilang unibersidad at kolehiyo sa bansa ang umanoy ginagawang recruitment hub ng mga rebeldeng komunista.
Sinabi ni De Vera na hindi lamang ang mga estudyante sa kolehiyo sa Pilipinas ang tina-target ng mga komunista dahil ang mga kabataan ay masyadong idealist at nais ng agarang pagbabago.
Ilan aniya rito ay frustrated na rin at nahihirapan sa pag-aaral kayat madaling mahikayat ng mga rebelde.
Dahil dito, hiniling ni De Vera sa mga professor na bagama’t may academic freedom dapat na maging balanse sila sa paglalahad ng ideology ng gobyerno at mga komunista.
Inamin naman ni De Vera na ilang professor ang galit sa gobyerno at one-sided na dapat aniyang bantayan ng university officials para maiiwas ang mga estudyante na maging miyembro ng mga rebeldeng grupo.