Tiniyak ng CHED o Commission on Higher Education na dadadaan sa masusuing ebalwasyon ang mga petisyon kaugnay sa hirit na pagtataas ng matrikula ng mga private higher education institutions ngayong taon.
Ayon kay CHED Officer In Charge Prospero De Vera hindi maaaring basta-basta na lamang magpatupad ng tuition increase ang mga pribadong unibersidad lalo na’t kung nakabinbin pa sa mga regional offices ang kanilang aplikasyon.
Dagdag pa ni De Vera magiging mahigpit ang kanilang proseso sa pag apruba kaugnay sa nasabing pagtataas ng matrikula.
Magugunitang umapela sa pamahalaan ng agarang aksyon ang grupong National Union of Students of the Philippines dahil sa napaulat na 400 pribadong eskwelahan ang nakaambang magtaas ng kanilang matrikula ngayong taon.
Posted by: Robert Eugenio