Kumpiyansa ang Commission on Higher Education (CHED) na hindi matatapyasan ang budget ng kagawaran kahit pa sinuspindi ang pagpapatupad sana ng ikalawang bugso ng excise tax sa mga langis sa susunod na taon.
Ayon kay CHED Executive Director Cinderlla Jaro, ito ang tiniyak sa kanila ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Jaro na patuloy din ang pakikipag ugnayan nila sa Department of Finance (DOF) upang hindi maapektuhan ang pondo para sa edukasyon ng kahit anumang pagtatapyas.
Una rito, sinabi ng DOF na mawawalan ang gobyerno ng halos P40 bilyon dahil sa pagsususpindi ng ikalawang bugso ng pagpapataw ng excise tax sa langis.