Nilinaw ng Commission on Higher Education o CHED na dumaan sa tama at mabusising proseso ang pag-aapruba nila sa pagtataas ng matrikula ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Julito Vitriolo, Executive Director ng CHED, na mula sa 1,700 mga pamantasan sa bansa, 405 lamang ang nag-apply ng tuition increase.
Ngunit dahil sa hindi nakasunod ang iba sa mga itinakdang panuntunan tulad ng tamang konsultasyon sa mga mag-aaral at magulang o kaya’y nagpasyang hindi na magtaas ng matrikula kaya’t humantong lamang sa 313 ang pinayagan.
Paliwanag pa ng opisyal, bunsod ng iba’t ibang pangangailangan kaya’t nagpasya ang mga paaralan na magtaas ng singil sa matrikula.
By Jaymark Dagala | Karambola