Walang inilaan na pondo ang Commission on Higher Education o CHED para sa pandemic assistance sa mga mag-aaral ng pribadong paaralan para sa 2022 proposed national budget.
Sa pagding ng kamara sa budget ng ahensya, ipinunto ni ACT-Teachers Partylist Representative France Castro kay CHED Chairman Popoy De Vera ang isyu.
Aniya, wala raw siyang napansin na ayuda or COVID response sa 2022 at tinanong niya kung ito ba ay kasama sa hindi nailabas ng Department of Budget and Management.
Sagot naman ni De Vera sa mambabatas na hindi nila sinama sa 2022 budget ang pondo sa student aid bagkus ay nagsabi sila na mapasama ito sa proposed bayanihan 3.
Sinabi pa ni de vera na naghahanap sila ng karagdagang pondo dahil nagastos na nila ang P300 milyon na pondo sa ilalim ng bayanihan 2 para sa higher education tulong program noong 2020.—sa panulat ni Rex Espiritu