Tiniyak ni free legal assistance group chairman Chel Diokno ang kanyang pagtakbo sa 2022 national elections.
Ito’y makaraang mapabilang si Diokno sa mga nominadong kandidato ng Ssambayan sa pagka-presidente o bise presidente.
Aminado naman ang human rights lawyer na hindi pa niya masabi kung para saang posisyon siya tatakbo pero ang mahalaga anya sa ngayon ay may boses ang mga ordinaryong mamamayan at kabataan.
Bukod kay Diokno, nominado rin ng 1Sambayan bilang standard bearers ng oposisyon sina Vice Presidentleni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Antonio Trillanes, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at Cibac Partylist Rep. Eddie Villanueva.
Taong 2019 nang tumakbo sa pagka-senador si Diokno sa ilalim ng oposisyong otso diretso na binubuo ng mga kritiko ni pangulong rodrigo duterte pero kahit isa ay walang nanalo. —sa panulat ni Drew Nacino