Iniluklok na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office o PCO.
Ayon sa Office of the President o OP, nanumpa na si Garafil sa harap ni Pang. Marcos bilang PCO Secretary.
Magugunitang itinalaga si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary na noo’y undersecretary pa ang posisyon.
Kasabay nito, kinumpirma naman ni Garafil na pinulong din ni PBBM ang mga miyembro ng kanyang gabinete ngayong araw.