Inaasahang magpapatawag ng emergency meeting ngayong araw ang United Nations Security Council kaugnay sa panibagong chemical attack sa Syria na ikinasawi na ng mahigit pitumpung (70) katao.
Alinsunod ito sa hiling ng Estados Unidos at iba pang miyembro ng UN.
Magugunitang nagbanta si US President Donald Trump na mananagot ang rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad dahil sa panibagong poison gas attack na kanyang inilunsad laban sa mga sibilyan sa lungsod ng Douma.
Samantala, nagpatawag naman ang Russia ng meeting sa US Security Council kaugnay sa “international threats” sa peace and security.
Gayunman, hindi idinetalye kung ano ang natalakay sa pagitan ng US Security Council at Russia, na kaalyado ng Syria.
—-