Itinanggi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na naglunsad ang Syrian government ng chemical attack sa bayan ng Douma na ikinasawi ng mahigit 70 katao, noong Sabado.
Ayon kay Lavrov, walang ebidensyang magpapatunay na gumamit ang rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad ng poison gas laban sa mga sibilyan.
Sa katunayan aniya ay binisita na ng ilang Russian specialist at aid worker ang Douma na dating balwarte ng mga rebelde.
Ang Russia ay isa sa mga kaalyado ng Syria na katuwang ng Bashar regime sa paglaban sa mga rebelde at grupong ISIS sa gitna ng Syrian civil war.
—-