Pinagsanib nina Derrick Rose at Jimmy Butler ang kanilang 55 puntos para maibaon sa pagkatalo ng Chicago Bulls ang kalabang Oklahoma City Thunder sa iskor na 104-98.
Dinaig ng tambalang Rose at Butler ang dynamic duo ng Thunders na sina Kevin Durant at Russel Westbrook.
Hindi nakaporma ang Thunders sa Bulls lalo na nang magpakawala ng tres si Rose sa huling quarter ng laban.
Dahil dito, nakabangon ang Bulls mula sa kahiya hiyang pagkatalo ng kanilang koponan matapos ilampaso ng Charlotte Hornets kahapon sa iskor na 105-130.
By Ralph Obina