Sinuwag ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers sa kanilang pagtutuos sa iskor na 106-94.
Sinamantala ng husto ng Bulls ang pagkawala nina Kyrie Irving, Kevin Love, J-R Smith at Mike Dunleavy sa koponan ng Cavs.
Dahil dito, natapos ang 3 winning streak ng defending champion na Cavs.
Pinangunahan ni Jimmy Butler at Taj Gibson ang panalo ng Bulls.
Kumana si Butler ng 20 puntos habang nag-ambag naman ng 18 puntos si Gibson.
By: Ralph Obina