Sinuwag ng Chicago Bulls ang Golden State Warriors sa kanilang pagtutuos sa nagpapatuloy na NBA games.
Bagamat sa huling bahagi na nag-init ang Bulls, naging sapat naman ito para pataubin ang Warriors sa iskor na 94-87.
Sinamantala ng Bulls ang pagkawala ni Kevin Durant na out na sa buong season dahil sa injury nito sa tuhod.
Pinangunahan ni Jimmy Butler ang panalo ng Bulls matapos itong kumana ng 22 puntos.
Samantala, hindi naman umubra si Stephen Curry para maingat ang koponan ng warriors.
By Ralph Obina