Inilagay na sa quarantine ang lahat ng farm ng manok sa paligid ng Southern Tennessee kung saan natuklasan ang unang kaso ng avian flu sa Estados Unidos.
Habang ginagawa ang pagsusuri ay pinagbawalan muna ang mga farms na magbenta ng manok hanggang hindi sila nagne-negatibo sa virus.
Ang farm sa Southern Tennessee na natuklasang positibo sa avian flu ang nagsu-suplay ng produkto sa mga kumpanyang Tyson Foods Inc. and Pilgrims Pride na syang nagbebenta naman sa ibang mga bansa.
Dahil dito, ilang mga bansa sa Asya na ang nagpasyang limitahan ang ina-angkat nilang poultry products sa Estados Unidos lalo na sa Tennessee.
Kabilang dito ang Japan, South Korea, Hongkong at Taiwan.
By Len Aguirre