Hinirang na “Best Fried Chicken in America” ang Chickenjoy ng Filipino fast-food giant na Jollibee.
Ayon sa Eater.com, ang global food website sa ilalim ng Vox Media, nanguna ang “Juicy-licious, Crispy-licious” na Chickenjoy ng Jollibee sa 15 brands.
Tinawag itong ”Satisfyingly light, flavorful at supremely moist,” ng projects editor ng Eater na si Lesley Suter.
Kinilala rin ang Gravy ng Jollibee na nagpapakita ng Filipino colors na kukumpleto sa Chickenjoy.
Kabilang sa mga brands na pinagpilian ay ang KFC, Popeyes, Mcdonald’s, Wendy’s, White Castle, Burger King , Panda Express, Del Taco, Shake Shack, Wingstop, Chick-Fil-A, at Fuku O.G.
Nabatid na mayroong 83 Jollibee stores sa North America at mahigit 1, 500 restaurants sa buong mundo.