Patuloy pa ring tinututulan ng mga residente ng Cordillera ang Chico River irrigation pump project.
Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng certification of precondition mula sa National Commission on Indigenous People (NCIP) ang naturang proyekto.
Paliwanag ng NCIP, ang nasabing sertipikasyong kanilang ipinagkaloob ay isang mahalagang dokumento para matuloy ang Chico River irrigation pump dahil ito ang katunayan na ibinigay ng komunidad ang kanilang pagpayag sa proyekto.
Gayuman, sinabi ng Cordillera People’s Alliance na hindi nasunod ang proseso sa pagiisyu ng sertipikasyon.
Dahil dito iginiit ng grupo na dapat na ipahinto muna ang proyekto lalo pa’t may kasalukuyang petisyon sa Korte Suprema na kinukwestiyon ang ginawang loan ng Pilipinas sa China kung saan bahagi nito ay pondong ilalaan para sa nasabing irrigation pump.
Inaasahang 4,000 magsasaka sa Cagayan, Isabela at ilang bahagi ng Kalinga ang magbebenipisyo mula sa irrigation project.