Hindi muna makakaupo kaagad si Chief Inspector Jovie Espenido bilang officer in charge sa Iloilo City Police Office.
Sa kabila ito ng utos ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na ilipat na si Espenido sa Iloilo mula sa Ozamiz.
Ayon kay Espenido marami pa siyang dapat gawin sa Ozamiz tulad nang pag aresto kay Arthur Parojinog na kapatid nang napaslang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
Bukod dito sinabi ni Espenido na target din niya ang pamangkin ni Mayor Parojinog na umanoy lider ng Martilyo Gang.
Umaasa si Espenido na maiintindihan siya ng mga taga Iloilo na hinihintay ang kaniyang pagdating dahil tatapusin muna niya ang kaniyang misyon sa Ozamiz City.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
SMW: RPE